Ang Tula ko Para Sayo

Trisha Sebastian water color painting | Julius Sebastian

Naaawa ako
sa mga tao
Bagabag daw dahil
sa kung anu-ano

Merong malungkot dahil sa problema
Meron naman iniwan ng mahal niya.

Nagtataka sila
Nagtatanong paano lumigaya?

Bago pa umabot
na ako naman ang malungkot
Ito ang aking
mabibigay na payo

Bat di mo piliing maging maligaya?

Wala naman magagawa 
sa pagbabago ng iba

Kung may magagawa tayo
Ito ay ating sariling pagbabago…

Hindi naman malulupig
tuwing iisipin natin
kaya’t iyong baguhin
pagdamdam sa suliranin…

Ako ay may kakilala
na may solusyon sa problema…

Makikinig Siya
sa sasabihin mo sa kanya…

Lahat ng bagay
pamamahala niya…
Lahat ng sangkalikasan
ay nilikha niya

Siya ang gumawa
ng lahat ng bagay…
Kasama ang iyong buhay
At itong aking bahay.

Kung ika’y magpasya
isuko sakanya
ang yong buhay
Makaaasa ka
Ikaw ay kanyang
di iiwan

Araw gabi
Ika’y kanyang kakalingain
Bagamat may suliranin
Ikaw ay tiyak itoy iyong kakayanin

Basahin mo lang ang mga salita niya
Upang ikaw ay tunay na maliwanagan

Kausapin mo sya
At magtiwala sa kanya
Ikaw ay tiyak kong
magiging maligaya

Bakit mo ipinapanakaw sa iba
Ang iyong kaligayahan na dedma naman sila?

Bakit mo isisisi ang iyong kalungkutan

na ikaw naman ang pumiling magdusa?

Bakit mo pinipilit ang iba na magbago
di kaya ikaw ang kelangan matuto
kung ikaw ang malungkot
at nagmumukmok sa kuwarto?

Bakit di mo piliing magbago
Ikaw ang mauna
at ng sila ay sumunod
sa iyong inuutos

Huwag magalinlangan
Pagbabago ay iyong simulan

Malay mo sayong ligaya
Sila ay maimbita?

Malay mo sa pagsaya mo
Sila ay maakit mo?

Malay mo sa iyong bango
Di na kailangan pa
ibuka ang bibig mo?

Tigilan mo na ang iyong paghuhusga
Nakita mo ba ang saya saya na nila?
Tigilan mo na ang pagpanggap mo
Kungdi hindi ka na 

magbabago

Tigilan ang pagbunganga
Gawin muna ang buhay na kaaya-aya
Sarili mo nga di naniniwala
Pano mo pipiliting iba ay magtiwala?

Kaibigan
di ka pa ba nagsasawa
Habol ng habol sa mga sikat
Nakikipagsiksikan
Para malinya sa kanila

Ako may nanggaling na doon
banda rito gimik doon
Akala mo pag ika’y naloko
Sino ang tutulong sa yo?

Iisa Lang ang kilala ko
Na sa iyoy sasaklolo
Kahit ako’y nalilito
Kailanmay pagibig nya’y di nagbago
Bagaman ako ay lumayo

Sa lilim nya’y di niya ko pinatalo
Kayat kahit ano pang sabihin mo
Dito na ako
Sa tunay at totoo

Malungkot man ako
Na ikaw ay wala rito
Nagtitiwala ako
Sa kanyang pagibig
Dadating din ang oras
 na ika’y makakapiling
bastat akoy nananalig
At ika’y laman ng aking dalangin

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s